beergo09
Sino po ba ang pwedeng pagbigyan o tumanggap ng suhestyon dyan sa munisipyo ng taytay? gusto ko po sanang iparating sampu ng aking mga kasamahan sa transport group ang "SOBRANG PANGIT" ng kalsada na nagiging dahilan ng pagkaantala sa daloy ng trapiko. ito po ay matatagpuan pagtawid ng barkadahan bridge patungong brgy. nagpayong bago sumapit sa greenwoods subd. sa araw araw po naming pagdaan sa naturang lugar ay palala ng palala po ang sitwasyon ng nasabing kalsada. hindi po ba alam ni mayor Gacula ang sitwasyon doon? ano po ba ang dapat gawin ta sino po ba ang dapat umaksyon sa problemang ito? kung ito po ay responsibilidad ng munisipyo ito ay malaking kasiraan sa administrasyon ni mayor Gacula. kung ito po naman ay nakaatang sa balikat ng DPWH sana po ay makipag ugnayan naman ang mga taga munisipyo dahil sa inyo din po bumabagsak ang sisi ng mga tao lalo na po nag hindi nakakaalam kung ito man ay inyong responsilbilidad o sa DPWH.
sa araw araw na pagdaan po namin sa ibat ibang lugar sa taytay madami po kaming napansin na mga problema na tulad ng MADILIM at LUBAK LUBAK na highway 2000 na nagdudulot ng aksidente lalo na sa gabi sa mga dumaraan dito. gayun din sa manila east road na napakadilim, nagkaroon lang ng liwanag sa lugar ng SM ngunit makalampas doon ay wala na..
sana po ay makarating ang mga bagay na ito kay mayor Gacula at makagawa ng agarang SOLUSYON upang hindi tuluyang lumatay sa kanyang PANUNUNGKULAN ang mga negatibong bagay na tulad nito...
maraming salamat po